Bakit ka kasi,
lagi na lang tayo di nagkakaintindihan?
Hindi pa tapos yung isyu dati,
ngayon may bago na naman.
Nung una kitang makilala, hindi ka ganyan.
Mahirap kang intindihin, pero kaya kitang sabayan.
Lintek ka, buong buhay ko binigay ko na sa iyo,
Ano pa ba ang gusto mo?
Para sa iyo, laro lang lahat ng ito.
Pero di na ko natutuwa sa iyo.
Nakita ko na ang tunay na kulay mo.
Pinapagod mo lang ako.
Ako’y isa’t kalahating tanga
para kumbinsihin ang iba na mahalin ka.
Ayoko na sa iyo.
Break na tayo.
Wednesday, April 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment