Thursday, August 20, 2009

Sawa na ko

Bawat bitiwang salita,
Sobrang nakakairita.
Di man lang nakahalata,
Ika'y nakaka-abala?

Sinong nagsabi sa iyo
Na magkaibigan tayo,
Para utusan mo ako
Na waring may utang sa iyo?

Di ka masyadong kilala.
Utang na loob, asa pa!
At kung ganyan ka umasta,
Ha! Wala kang mapapala.

Di tayo magkakasundo
Kung lagi na lang ganito.
Kaya para walang gulo,
Pwede bang lubayan ako?

1 comments:

  1. hi ms. tina.. im just having a trouble with my boss this morning so i key in: "sawa na".. funny i found this one...thanks!
    ReplyDelete