POV #1:
Ayan ka na naman,
Pagkagising sa umaga
Mas una mo pang tiningnan
Laman ng Facebook at iba pa.
Sa RC, ano ba ang napala mo
Ngayong level 10 na ang dish mo?
May mangyayari bang kakaiba
Kung lumaki na ang iyong Mafia?
May trabaho kang kailangang gawin,
Simulan mo na ngayon din!
Kung hindi, buburahin ko
Ang lahat ng pinaghirapan mo.
POV #2:
Aba, aba, magtigil ka nga!
Akala mo kung sino ka.
Bakit tula ang nasa isip mo?
Di ba nasayang din ang oras mo?
Imbes na matematika ang iniisip mo,
Mga salita ang pinaglalaruan mo.
Kung iisipin mo, pareho lang tayo.
Tigilan mo na ang kalokohan mo.
Thursday, July 2, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)